Ito ang naging pahayag ni dating Health Secretary Esperanza Cabral sa gitna ng kontrobersiya.
Sa isang panayam, sinabi ni Cabral na dapat ay makumpleto ang tatlong doses ng bakuna para buo ang makuhang proteksyon ng mga bata o kung sinuman na nabigyan na ng dengue vaccine.
Kapag isang turok lamang aniya, ay maaari nang ma-expose ang recipient ng bakuna sa mga mapanganib na epekto nito.
Pero agad naman pinalagan ni Public Attorney’s Office chief Atty. Persida Rueda-Acosta ang pahayag ni Cabral.
Ayon kay Acosta, tila kagustuhan pa ng dating kalihim na matuloy ang pagbibigay ng Dengvaxia sa mga bata.
Hindi rin aniya consultant ng Dengvaxia si Cabral kung kaya’t hindi na dapat magsalita ito tungkol sa isyu.