Recipients ng Dengvaxia, dapat tatlong beses bakunahan ayon sa dating kalihim ng DOH

By Mariel Cruz February 01, 2018 - 09:53 AM

Tatlong beses dapat mabakunahan ng Dengvaxia ang mga batang tumanggap na ng dengue vaccine.

Ito ang naging pahayag ni dating Health Secretary Esperanza Cabral sa gitna ng kontrobersiya.

Sa isang panayam, sinabi ni Cabral na dapat ay makumpleto ang tatlong doses ng bakuna para buo ang makuhang proteksyon ng mga bata o kung sinuman na nabigyan na ng dengue vaccine.

Kapag isang turok lamang aniya, ay maaari nang ma-expose ang recipient ng bakuna sa mga mapanganib na epekto nito.

Pero agad naman pinalagan ni Public Attorney’s Office chief Atty. Persida Rueda-Acosta ang pahayag ni Cabral.

Ayon kay Acosta, tila kagustuhan pa ng dating kalihim na matuloy ang pagbibigay ng Dengvaxia sa mga bata.

Hindi rin aniya consultant ng Dengvaxia si Cabral kung kaya’t hindi na dapat magsalita ito tungkol sa isyu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti dengue vaccine, Dengvaxia, department of health, esperanze cabral, anti dengue vaccine, Dengvaxia, department of health, esperanze cabral

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.