Isang 16-wheeler truck na may lamang buhangin ang sumampa sa center island ng Nagtahan Bridge.
Mula sa southbound lane ng tulay ang truck at tumawid pa ito sa northbound lane matapos sumampa sac enter island.
Ayon sa driver na si Jimmy Sarondo, lumusot ang preno ng minamaneho niyang truck na may plakang RNJ 263 kaya sa halip na banggain ang mga sasakyan sa kaniyang harapan ay isinampa na lamang nya ito sac enter island.
Galing ng Pampanga ang truck at dadalhin sana sa Taguig ang buhangin na laman nito.
Natyempuhan namang walang pasalubong na sasakyan nang pumakabila ng linya ang truck kaya walang nasaktan at walang ibang sasakyan na nadamay sa aksidente.
Hindi rin gaanong naapektuhan ang daloy ng trapiko sa southbound lane.
MOST READ
LATEST STORIES