Ombudsman Morales maaring makasuhan kung hindi ipatutupad ang suspensyon kay Carandang

By Chona Yu February 01, 2018 - 08:08 AM

Inquirer file Photo

Maaring mapatawan ng kasong administratibo at kriminal si Ombudsman Conchita Carpio-Morales kung susuwayin nito ang suspension order ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Ito ang banta ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Ani Panelo, kung magmamatigas si Morales at susuwayin ang utos ng Office of the President na suspendihin ng 90-araw si Carandang dahil sa grave misconduct ay maari siyang makasuhan.

Paliwanag ni Panelo, lahat ng aksyon ng pangulo ay maituturing na ‘presumed’ hangga’t walang inilalabas na desisyon ang korte.

“Any willful refusal to do so or any deliberate act impeding such enforcement may open the said official to administrative and criminal sanctions,” ani Panelo.

Una rito ay nanindigan ang Malakanyang na may hurisdiksyon ang Office of the President na disiplinahin ang mga deputy ombudsman.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Arthur Carandang, Conchita Carpio-Morales, Office of the Ombudsman, Office of the President, Salvador Panelo, Arthur Carandang, Conchita Carpio-Morales, Office of the Ombudsman, Office of the President, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.