One-day processing ng ‘Red Ribbon’ ng DFA, ilang araw na suspendido
Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs–Office of Consular Affairs (DFA-OCA) ang publiko sa ipatutupad na ilang araw na suspensyon sa one working day processing sa mga dokumentong “for authentication” o “Red-ribbon.”
Ang suspensyon ay iiral sa February 15 hanggang 19.
Ayon sa DFA, kinakailangan nilang magsagawa ng system maintenance at upgrade.
Tiniyak naman ng ahensya na tuloy pa rin ang regular processing ng mga dokumento na “for authentication” na tumatagal ng apat na araw.
Kaugnay nito, humingi ng paumanhin ang DFA-OCA sa publiko at sinabing babalik sa normal ang operasyon sa Pebrero 20.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.