14 katao arestado sa sinalakay na drug den sa Maynila
Inaresto ang labingapat na katao kabilang ang tatlong menor de edad sa isinagawang pagsalakay sa isang drug den sa Pandacan sa Maynila.
BItbit ang search warrant, sinalakay ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang bahay sa Kahilum Dos sa Pandacan dahil ginagawa umano itong drug den.
Kabilang sa nadakip ang ginang na si Jorlyn Ignacio at kaniyang menor de edad na anak at labingdalawang iba pa.
Ang menor de edad na si alyas Resty, aminado na nagbebenta siya ng shabu pero kaniyang sinabi na napilitan lang siyang gawin ito dahil sa hirap ng buhay.
Sinabi naman ni Jorlyn na matagal na niyang sinabihan ang anak na tumigil pero matigas ang ulo nito.
Narekober sa mga suspek ang 30 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40,000.
Mahaharap sa kasong paglabag Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto habang itu-turn over naman ang tatlong menor de edad sa DSWD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.