Mangangalakal ng basura patay matapos pagbabarilin sa loob ng computer shop sa Maynila

By Mark Gene Makalalad February 01, 2018 - 06:14 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang mangangalakal ng basura matapos pagbabarilin sa loob ng computer shop sa Purok uno, Brgy. 20 zone 2 Isla Puting Bato, Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Ricky Tutay, 36 na taong gulang at residente sa naturang baranggay.

Ayon kay Reynaldo Orozco, may-ari ng computer shop, nakatanggap na lamang sya ng tawag pasado hatinggabi na may bumaril na lamang sa biktima habang nagco-computer ito.

Kuwento naman ng ilang residente, nasa tatlo hanggang apat na putok ang kanilang narinig.

Nakita rin nila ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Kilala sa pagiging mabait ang biktima at hindi rin umano ito gumagamit ng iligal na droga.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring pamamaril.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tondo Manila, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.