Monthly contribution ng mga miyembro ng SSS, balak taasan

By Rhommel Balasbas February 01, 2018 - 04:43 AM

Balak taasan ng Social Security System (SSS) ang halaga ng buwanang kontribusyon ng kanilang mga miyembro simula sa buwan ng Abril.

Ayon sa SSS, ang hirit sa pagtaas sa kontribusyon ay bunga ng laki ng ginastos ng ahensya matapos ang P1,000 na dagdag sa pensyon ng mga miyembro nito mula Enero 2017.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, nagsumite na sila ng pormal na hiling kay Pangulong Duterte na magbaba ng ‘executive order’ upang payagan ang planong taasan ang buwanang kontribusyon.

Target ng ahensya na taaasan ang monthly contribution rate sa 14% kung saan inaasahang makapagtatala ng karagdagang koleksyon na aabot sa P45 bilyon at magpapalawig sa fund life nito ng 12 taon.

Sa kasalukuyan ay nasa 11% lamang ang premium contribution.

Ang manggagawang sumasahod ng P10,000 kada buwan ay kinakaltasan ng P363.30 at magiging P513.30 sa panibagong contribution rate.

Ito ay one-thirds ng kanilang sahod habang two-thirds ang sinasagot ng kumpanya.

Naniniwala naman si SSS Chairman Amado Valdez na hindi naman talo ang mga miyembro dahil mapapakinabangan naman ng mga ito ang dagdag kontribusyon sa tatanggaping pension pagdating ng retirement age.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.