5 pulis arestado dahil sa pangingikil

February 01, 2018 - 04:11 AM

Nasukol ang limang tauhan ng Southern Police District (SPD) dahil sa hinihinalang pagkakasangkot ng mga ito sa insidente ng robbery-extortion sa loob mismo ng kanilang opisina.

Pawang mga mula sa Special Operations Unit (DSOU) ang mga pulis na nakilalang sina PO1 Kervilyn Dugyawe, PO1 Moli Esmail, PO1 Randy Mangubat, PO2 Jimmy Abadines at PO3 Simon Respicio.

Nakatanggap kasi ng impormasyon ang mga pulis tungkol sa isang transaksyon sa pagitan ng arresting officer at isa sa mga kaanak ng suspek na nakilalang si Roselyn Genorga.

Inaresto ng mga pulis si Genorga dahil sa kasong may kaugnayan sa illegal gambling sa Merville, Pasay City.

Nangikil umano ang mga operatiba ng DSOU ng P25,000 sa pamilya ni Genorga upang siya ay mapalaya.

Nakuha din mula sa mga nasabing pulis ang naturang halaga.

Dahil dito ay inaresto ng mga pulis ang kanilang mga kasamahan na ngayon ay nasa ilalim na ng restictive custody at inihahanda na para sa inquest proceeding. / Kabie Aenlle

Excerpt:

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.