Marcos kay Robredo: Sa PET nanggaling ang mga ebidensya

By Kabie Aenlle February 01, 2018 - 03:49 AM

Sinagot agad ng kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos ang katanungan ni Vice President Leni Robredo kung saan nila nakuha ang mga sinasabi nilang ebidensya sa umano’y pandaraya sa 2016 national elections.

Ayon kay Atty. Victor Rodriguez na tagapagsalita ni Marcos, nagmula mismo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ang kanilang mga hawak na ebidensya.

Dahil dito, sinabi ni Rodriguez na ang pag-akusa ni Robredo ng tampering of evidence kay Marcos ay katumbas na rin ng kawalan ng respeto sa PET dahil ito ang nagbigay sa kanila ng soft copies ng mga ballot images na kanilang ipinrisinta noong Lunes.

Kaugnay nito ay nanawagan ang abogado sa kampo ni Robredo na huwag bastusin ang PET gamit ang aniya’y “desperate claim.”

Gayunman, sa pahayag ng abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, sinabi nitong “fabricated” o gawa-gawa lang ang mga ebidensya, at hindi “tampered” tulad ng binanggit ni Rodriguez.

Pero giit ni Rodriguez, dapat ay sagutin na lang ng kampo ni Robredo ang kanilang “expose” na malinaw na nagpakitang namanipula ang halalan.

Excerpt:

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.