Malacañang pumalag sa panukalang alisin ang blog ni Mocha Uson

By Chona Yu January 31, 2018 - 06:47 PM

Inquirer file photo

Binuweltahan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang hamon ni Senador Grace Poe kung napapanahon na para isara ang personal blog ni Communications Asec. Mocha Uson.

Ayon kay Andanar, kung isasara ang Mocha Uson blog, dapat ding ipasara ang blog, facebook at twitter accounts ng may 1.5 million public servants sa buong bansa.

Dagdag pa ng kalihim, “Panahon na ba para isara ang blog ni Mocha?’ Okay, granting na isara ninyo ang blog ni Mocha. There are 1.5 million public servants in the country and I bet you most of them, they have their own Facebook pages and Twitter din. Oh ‘di isara ninyo rin lahat”.

Sinabi pa ni Andanar na maging ang mga social media account ni Pangulong Rodrigo Duterte at maging ng mga senador at mga kongresista ay dapat nang ipasara kung ipasasara rin lang ang blog ni Uson.

Sinabi ni Andanar na para maging patas ay dapat na all for one, one for all ang maging patakaran sa pagpapasara sa Mocha Uson blog.

Sa pagdinig ng Senado kahapon ay inulan ng batikos ang Mocha Uson blog dahil sa umano’y pagpapakalat ng mga pekeng balita.

TAGS: blog, fake news, Martin Andanar, mocha uson, blog, fake news, Martin Andanar, mocha uson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.