Ayala Bridge sa November 1 pa magiging fully operational

12077281_908012439265315_912367772_n
Kuha ni Ruel Perez

Tatagal pa ang pagkukumpuni ng Ayala Bridge sa Maynila sa kabila ng matagal na pagsasara nito simula noong Marso matapos sumailalim sa major reconstruction.

Ayon kay Engineer Ricardo De Vera ng Department of Public Works and Highways, noong September 27 sinimulang isara ang magkabilang linya ng Ayala Bridge.

Mananatili ang total closure hanggang bukas, September 30.

Sa October 1 hanggang 2, magbubukas ng tig-isang lane sa Ayala Bridge para lamang sa mga light vehicles.

Habang sa October 3 at 4 na araw ng Sabado at Linggo ay muling ipatutupad ang total closure ng magkabilang linya.

Sa October 5 hanggang 31 ay magbubukas lang muli ng tig isang lane at mga light vehicles lamang ang padadaanin, at sa November 1 pa inaasahang magiging fully operational ang tulay.

Ang private contractor na Frey-Fil at EEU joint venture ang gumagawa ng tulay at sa ngayon ay nagsasagawa ng post-tensioning at reconstruction.

Ayaw namang kumpirmahin ng contractor ang mga isyung mayroong gumuho o nasira sa bahagi ng tulay kaya ito isinara.

Read more...