Trump nanawagan na magkasundo na ang Democrats at Republican

AP photo

Sumentro sa pagkakaisa sa larangan ng pulitika ang unang State of the Union Address ni U.S President Donald Trump.

Umepela siya sa mga kasapi ng Democrats at Republicans na magtulungan sa pagsasa-ayos ng ilang legislation partikular na sa isyu ng immigration.

Sinabi ni Trump na sa pamamagitan lamang ng pagkakaisa matutupad ang gusto ng karamihan na “American dream”.

Ayon kay Trump, “My duty, and the sacred duty of every elected official in this chamber, is to defend Americans — to protect their safety, their families, their communities and their right to the American Dream”.

Tumanggap naman ng mahabang “Boo” si Trump mula sa mga mambabatas na kasapi sa Democrats nang sumentro ang kanyang talumpati sa tinatawag na “chain migration”.

Inisa-isa rin ng U.S president ang ilan sa mga nagawa na ng kanyang administrasyon lalo na sa pagpapatatag ng kanilang ekonomiya.

Sa loob ng kanyang isang oras at dalawampung minutong talumpati ay tinalakay rin ni Trump ang paghahanda ng U.S sa pagtuldok sa problema sa Korean Peninsula lalo na sa nuclear threat ng North Korea.

Agaw-eksena naman sa State of the Union Address si First Lady Melania Trump na naunang dumating sa The Capitol para harapin ang kanyang mga inimbitahang bisita.

Read more...