Ayon kay Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, sapat na ang kasong libel at paglabag sa Cyber Crime Act.
Sinabi ni Asec. Banaag na bagama’t opsyon ng lehislatura ang pagpasa ng batas, dapat magkaroon ng malinaw na depinisyon ng “fake news” para alam kung ano ang pinag-uusapan at papaano pagtutulungan sa gobyerno.
Inihayag ni Banaag na sa panig ng PCOO, ilan sa kanilang rekomendasyon laban sa “fake news” ay magkaroon ng kooperasyon ang lahat ng nasa gobyerno lalo sa Department of Education o DepEd, Commission on Higher Education o CHED kasama ang mga nasa private sector para mas paigtingin ang kampaniya para sa mas responsableng pamamahagi ng impormasyon at ng mga bagay na nababasa ng mga kabataan at lahat po ng mga kababayan