Suweldo ng mga Pinay service workers sa Malaysia, hindi dapat galawin

By Jen Pastrana September 29, 2015 - 05:22 AM

OFWsMananatiling nasa 400 U.S. dollars ang dapat ipa-sweldo sa mga Filipino maid sa Malaysia kahit gaano man kataas o kababa ang palitan ng dolyar sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Eduardo Malaya, kinakailangan maibigay at bayaran ng mga employer ng mga Filipino maids ang katumbas na halaga ng local currency nila saan mga bansa ito nagta-trabaho.

Dagdag pa ni Malaya, magiging unfair sa mga ina at mga anak na babae na kumita lamang ng wala sa minumum na sweldo katumbas ng itinakda na minumum wage sa Pilipinas.

Kasunod ito sa pagbaba ng Ringgit pera sa Malaysia na halos dalawampung porsyento laban sa dolyar sa mga nakaraang taon.

Sinabi rin ni Malaya na nasabihan na ng embahada ang lahat ng labor agencies sa Malaysia na sumunod sa itinakdang minimum wage.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.