Mga pulis na sangkot sa mga pagpatay kaugnay sa war on drugs dapat panagutin ng gobyerno – Amnesty International

By Erwin Aguilon January 31, 2018 - 10:59 AM

Hinimok ng Amnesty International ang pamahalaan ng Pilipinas na papanagutin ang mga pulis na sangkot sa mga pagpatay may kaugnayan sa war on drugs ng Duterte administration.

Ayon kay James Gomez, Amnesty International Director of Southeast Asia and the Pacific, ilang libong mga mamamayan na karamihan ay mga mahihirap ang brutal na pinatay ng pulisya simula nang manungkulan ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na ngayong balik naman sa PNP ang anti-drug operations dapat gumawa ng hakbang ang gobyerno upang hindi na maulit ang pagdanak ng dugo na naranasan sa nakalipas na 18-buwan.

Pinayagan ayon kay Gomez ng Duterte administration ang pulisya na magsagawa ng mga operasyon na tinawag nitong halos ‘total impunity’.

Positibo naman ito sa naging hakbang ng Department of Justice na magsampa ng kasong murder laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa teenager na si Kian Loyd delos Santos.

Gayunman, sinabi nito na dapat mapanagot ang iba pang sangkot sa libo-libong kaso ng pagpatay may kaugnayan sa ‘war on drugs’.

TAGS: amnesty international, anti-drug operations, department of justice, Duterte administration, James Gomez, PNP, War on drugs, amnesty international, anti-drug operations, department of justice, Duterte administration, James Gomez, PNP, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.