Dalawampung bahay nasunog sa Rizal

Courtesy: Nestor Allen

Aabot sa dalawampung bahay ang naabo matapos masunog ang isang residential area sa East Bank Road, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Ayon sa Bureau of Fire Protection nagsimula ang sunog dakong 11:27 ng gabi at naapula ganap na 12:45 ng madaling-araw ng Miyerkules.

Dahil sa dikit-dikit na mga bahay mabilis kumalat ang apoy na umabot lamang ng unang alarma.

Hindi pa naman mabatid ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at pinasalang idinulot nito.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa sunog.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP sa insidente.

Read more...