‘Glee’ star na si Mark Salling, nagpakamatay

By Kabie Aenlle January 31, 2018 - 04:11 AM

 

Natagpuang patay dahil sa hinihinalang suicide ang isa sa mga aktor sa sikat na palabas na “Glee” na si Mark Salling.

Ayon sa report ng entertainment news site na TMZ, natagpuan umano ang katawan ni Salling na nakabigti sa isang puno malapit sa isang ilog sa Sunland, Los Angeles, California kung saan siya nakatira.

Una umanong dumulog sa Los Angeles Police Department station ang isang kaanak ni Salling para ireport na nawawala si Salling.

Tumungo naman na sa lugar ang mga pulis at wala naman silang nakikitang senyales ng foul play, gayunman, malakas ang paniniwala nilang suicide ang nangyari.

Si Salling ay naghihintay ng sintensya matapos umaming guilty sa possession of child pornography.

Ayon sa mga prosecutors, mayroong nasa 50,000 na larawan ng mga menor de edad at mga bata ang 35-anyos na aktor.

Nakatakda sana sa Marso ang pagbababa ng sintensya kay Salling at inaasahang apat hanggang pitong taon siyang makukulong alinsunod sa plea deal.

Si Salling ay gumanap na football player na si Noah Puckerman sa palabas na Glee.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.