Joint cultural event ng SoKor at NoKor sa Olympics, hindi na tuloy

 

Hindi na matutuloy ang isa sa mga pangunahing joint cooperation projects ng South Korea at North Korea sa Winter Olympics na magsisimula na sa susunod na buwan.

Sa inilabas na pahayag ng Unification Ministry ng Seoul, sinabi nilang kinansela na ng North Korea ang joint cultural event na gaganapin sana sa Diamond Mountain sa North sa darating na February 4.

Sinabi umano ng North Korea na wala na silang pagpipilian kundi kanselahin ang proyekto dahil sa hindi tinukoy na ulat ng South Korean media.

Ayon sa NoKor, siniraan ng nasabing ulat ang taos-pusong pakikipagtulungan nila para sa Olympics.

Itinuturing naman ng South Korea na “very regrettable” ang naging desisyon ng NoKor.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa iba pang mga napagkasunduang joint projects ng NoKor at SoKor para sa Olympics.

Kabilang na dito ang pagbuo nila ng joint women’s hockey team at sabay na pagmamartsa sa opening ceremony ng palaro.

Read more...