Ito ay ang Senate Bill 1671 o “Bawas VAT” bill.
Kung maaaprubahan ang nasabing panukala, bababa na lang ng 10 percent ang value-added tax (VAT) pagsapit ng January 1, 2019, na bababa pa sa 8 percent pagdating ng January 1, 2022.
Pero mangyayari lang ito kung aabot o lalampas sa 4.5 percent ng gross domestic product ang maitatalang kita ng gobyerno mula sa VAT sa nakalipas na taon bago ipatupad ang kaltas.
Bagaman sinabi aniya ng gobyerno na magbibigay ng pangmatagalang tulong ang TRAIN, ang katotohanan ayon kay Hontiveros ay may malaki itong negatibong epekto sa mga may malalaking pamilya at mga indibidwal na kumikita nang mas mababa sa minimum wage.
Ayon pa kay Hontiveros, layon ng kaniyang panukala na ipantay ang tax system ng bansa sa ASEAN region.
Nakabase aniya ang 4.5 percent GDP trigger sa kitang nakukuha ng Thailand mula sa kanilang VAT rate na seven percent lang.
Sa ganitong paraan, makapagbibigay pa ito ng daan para mas ibaba pa ang VAT rate ng bansa para makamit ang full alignment sa ASEAN norm na 8 percent.