EU, handa pa ring tumulong sa Pilipinas kahit tinatanggihan ng gobyerno

By Kabie Aenlle January 31, 2018 - 01:56 AM

 

Nananatili pa ring bukas ang European Union (EU) sa pagbibigay ng tulong sa Pilipinas sa kabila ng ilang beses nang pagtanggi ng gobyerno na tanggapin ito.

Noong nakaraang buwan lang ay magbibigay sana ng 6.1 million euros na halaga ng ayuda ang EU.

Gayunman, hindi pa rin ito tinanggap ng pamahalaan.

Patuloy pa rin kasing iginigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tatanggapin ang EU na inaakusahan niyang nakikialam sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ayon kay EU Ambassador Franz Jessen, umaasa sila na sa huli ay maipagpapatuloy pa rin nila ang pagbibigay ng kanilang development assistance sa Pilipinas.

Nabanggit rin ni Jessen na isang delegasyon mula sa Brussels ang nakatakdang bumisita sa Maynila.

Samantala, kahit naman walang Trade Related Technical Assistance (TRTA) ay maari pa rin aniyang tumulong ang EU nang direkta sa mga ahensya ng gobyerno depende sa sitwasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.