Maine sa pag-unfollow kay Alden sa IG: ‘Napindot lang’

 

Mula sa YouTube

Dumipensa si ‘Yaya Dub’ Maine Mendoza sa naging reaksyon ng mga netizens at mga ‘fans’ ng AlDub nang mapansin ng mga ito ang ‘pag-unfollow’ ng TV personality sa kanyang ka-loveteam na si Alden Richards sa Instagram.

Paliwanag ni Maine, ‘aksidente’ lamang ang kanyang pagkakapindot sa ‘unfollow’ button sa IG kaya’t lumitaw na hindi na nito sinusundan sa naturang social media platform si Alden.

Nag-sorry rin naman agad si Maine at sinabing wala namang masamang namamagitan sa kanilang dalawa.

Matapos ang paghingi ng paumanhin, agad din naman na nag-follow muli si Maine sa Instagram account ni Alden.

Matatandaang ikinagulat ng mga fans ng dalawa ang biglang pag-unfollow ni Maine sa account ni Alden.

Matapos ito, nag-post naman ng katagang ‘clueless’ si Alden sa kanyang account na mabilis naman nitong binura.

Read more...