BJMP: Walang special treatment para kay Faeldon
Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na wala silang ibibigay na “special treatment” para kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na ngayon ay nakapiit na sa Pasay City Jail.
Ayon kay BJMP spokesperson Senior Insp. Xavier Solda, mamumuhay si Faeldon sa nasabing piitan kasama ang mga kapwa niya preso.
Wala ring kama si Faeldon nang dumating ito sa compound ng piitan, lalo’t maliit lang ang lugar na ito at siksikan na ang mga preso.
Matatandaang inilipat sa Pasay City Jail si Faeldon mula sa detention facility ng Senado kung saan siya ikinulong sa loob ng ilang buwan matapos ma-cite in contempt.
Samantala, humiling na rin si Faeldon sa Korte Suprema na palayain na siya sa pamamagitan ng isang petisyon na nais ipapigil ang arrest oder ng Senado.
Gayunman, bagaman nagpupulong ang SC kada Martes, hindi pa rin sila nagbababa ng desisyon ukol dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.