Bayarin sa pagkuha ng birth certificate at iba pang dokumento sa PSA, may dagdag simula Feb. 2

By Jay Dones January 31, 2018 - 12:06 AM

 

Magdadagdag ng singil ang Philippine Statistics Authority sa mga dokumentong iri-request ng mga mamamayan tulad ng birth certificate, marriage certificate at iba pa.

Ayon sa PSA, simula February 2, magkakaroon ng kinse pesos na dagdag sa kanilang sinisingil na fee sa bawat opisyal na dokumentong kanilang ilalabas.

Ito anila ay bunga ng epekto ng ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law.

Sa ilalim ng naturang batas, magkakaroon ng dagdag sa binabayarang documentary stamp tax ng mamamayan sa bawat dokumento.

Dahil dito, mula sa P140 pesos ay magiging P155 pesos na ang singil sa birth certificate, marriage at death certificate.

Samantala, magiging P210 pesos na ang bayad sa Certificate of No Marriage o Cenomar mula sa dating P195 pesos simula sa February 2.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.