VP Robredo, inakusahang nagpapakalat ng fake news ng isang opisyal ng gobyerno
Inakusahan ni Communicaations Undersecretary Lorraine Badoy si Vice President Leni Robredo na nagkakalat umano ng fake news.
Sa pagdinig ng Senado, inihalimbawa ni Badoy ang pagpapakalat ni Robredo ng malagim na imahe ng bansa. Sinabi ni Badoy na posibleng si Pangulong Rodrigo Duterte pa ang biktima nito.
Tinanong naman ng blogger na si Tonyo Cruz, at ng editor-in-chief ng BusinessWorld na si Roby Alampay kung personal na opinyon ito ni Badoy, o pahayag ng Presidential Communications Operations Office.
Nilinaw ng opisyal na personal na opinyon niya ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.