Skyway balik sa lumang sistema ng toll collection

 

Ibinalik sa dating sistema ang pangongolekta ng toll sa Skyway matapos magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang ipinatupad na bagong istilo ng pangongolekta ng toll nitong nakalipas na araw sa naturang lansangan.

Simula alas-10:00 ng gabi ngayong Martes, sa unang toll gate na magbabayad muli ang mga motorista na magmumula sa Alabang, Sucat at Bicutan.

Kinakailangan dumaan ng Class 2 vehicles, gaya ng mga bus at delivery van, na magbabayad ng cash sa Runway Toll Plaza.

Ayon sa Skyway O&M Corporation, bagaman sinubukan nilang maibsan ang epekto ng transition, hindi pa nila maipatutupad ang bagong sistema.

Noong Lunes, sinimulan ng Skyway ang bagong sistema sa pangongolekta ng toll.

Kinakailangang tumigil nang dalawang beses ng mga motorista.

Una, magbabayad ang mga motorista sa toll gate.

Matapos ito kinakailangang iwanan nila ang slip na may QR code sa isa pang toll gate sa gitna ng Skyway.

Dahil sa bagong sistema, maraming motorista ang naperwisyo matapos itong magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

Read more...