Marapat umano na ipasubpoena na ng Senado ang #SilentNoMorePh blogger na si Eduardo “Cocoy” Dayao dahil sa patuloy na pag-isnab nito sa ipinatawag na pagdinig ng Senate Committee on Public info kaugnay sa paglaganap ng fake news.
Ayon kay Sen. Cynthia Villar, kung hindi pa rin dadalo ay dapat itong ipaaresto dahil nabigyan na ng Senado ng mahabang panahon si Dayao upang sagutin ang mga Senador na tinawag nya na lapdog ng Duterte administration
Dagdag pa ni Villar, bagaman kinikilala ng Saligang Batas ang kalayaan ng pamamahayag pero ang bawat kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad
Samantala, iminungkahi din ni Villar na dapat lahat ng mga blogger lalo na sa social media na ilagay ang totoong pangalan at huwag magtago sa mga pseudonym.
Si Dayao ay dating consultant ng Presidential Communications Operations Office noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sa pagdinig ng Senado kanina, bukod kay Dayao ay ipatatawag rin ang mga kinatawan ng mga telcos at ilan pang mga personalidad.