PNP pinayuhan na magsagawa muna ng internal cleansing
Paglilinis sa PNP kailangan kaysa sa Oplan Tokhang reloaded ayon sa isang militanteng mambabatas
Kasabay ng muling paghuhay sa Oplan Tokhang, iminungkahi ni Kabataan Rep. Sarah Elago nang pag reformat ang buong Philippine National Police.
Ayon kay Elago, sa halip na relaunching ng ‘Oplan Tokhang Reloaded’ ang pagkaabalahan ng PNP ay dapat na linisin ang kanilang hanay lalo’t marami pa ring mga pulis ang gumagawa ng iligal at nasasangkot sa krimen.
Sinabi ni Elago na kailangan ang overhaul sa PNP para mawakasan na ang mga paglabag sa karapatang pantao at palitan ang bulok na sistema ng buong institusyon.
Isang kaipokritohan din para kay Elago ang Oplan Tokhang Relaunch at iginiit na walang gimik ang makapagkukubli sa maraming buhay na nasayang at kawalang hustisya sa mga naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
Kung talagang sinsero anya ang gobyerno ay dapat ipatigil na ang Oplan Tokhang at resolbahin ang mga kaso na may kaugnayan sa kampanya kontra iligal na droga.
Iginiit nito na Hindi dapat kalimutan ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga pulis tulad ng pagkakapatay sa mga inosenteng kabataan tulad nila Kian delos Santos at Carl Arnaiz na biktima rin ng mistaken identity ng dahil sa war on drugs campaign ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.