Tinupok ng apoy ang isang residential area sa K-7 Street, kanto ng E. Rodriguez, na sakop ng Brgy. Kamuning, Quezon City pasado alas-dose ng tanghali kanina.
Ayon kay Fire Superintendent Manuel Manuel, Fire Marshall ng Q.C Fire Department, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Jun San Juan.
Aabot sa 10 kabahayan ang tinupok ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Samantala, tatlo katao ang nagtamo ng minor injuries sa insidente habang isang dalawang taong gulang na bata naman ang nawawala hanggang sa ngayon na nakilala sa pangalang Kyla Nobrelaza.
Bigla umanong nag-unahang lumabas sa nasusunog na bahay ang mga nakatira doon at kanilang naiwan ang batang biktima.
Idineklara naman na fire-under control ang sunog makalipas ang halos ay tatlong oras.