Sa nasabing bilangguan inilipat si Faeldon mula sa pagkakapiit nito sa senado makaraang patawan siya ng contempt dahil sa pagtanggi na sagutin ang mga tanong hinggil sa alegasyon ng katiwalian sa ahensya at sa P6.4 Billion shabu shipment.
Sakay ng kulay gray na SUV, mula senado ay dinala sa Pasay City jail si Faeldon.
Agad siyang iniakyat sa admin section ng Pasay City jail.
Binigyan ng sariling selda si Faeldon at ibinukod sa mga preso na mayroong kinaaanibang pangkat o ‘gang’.
Una rito, nanindigan ang senado sa napagkasunduan sa caucus na sa Pasay City jail dalhin sa Faeldon kahit pa sinasabing unsanitary at posibleng makasama sa kalusugan ni Faeldon kung sa nasabing bilangguan siya mananatili.