May tubig na dumadaloy sa planetang Mars.
Ito ang inanunsyo kanina ng National Aeronautics and Space Administation o NASA ng Amerika.
Ayon kay Jim Green, Planetary Science Director ng NASA, una nang nadiskubre ng mga rover sa planetang Mars ang mga ‘dark’ streaks’ o mga linya na dumadausdos sa mga gilid ng mga crater at mga bulubunduking bahagi ng surface nito may apat na taon na ang nakalilipas.
Ang mga naturang streaks aniya ay nabubuo tuwing panahon ng tagsibol o spring, lumalawak tuwing tag-init, at nawawala kapag taglagas na o fall.
Matapos aniya ang mahabang pagsasaliksik at pag-aaral sa mga naturang linya, nadiskubreng tubig ang mga ito.
Mahalaga ang pagkakadiskubre ng tubig sa ibang planeta tulad ng Mars, dahil lalong lumalakas ang posibilidad na may buhay sa ibang planeta bukod sa Earth.