Pahayag ng CBCP na “creeping dictatorship” kapag naisulong ang Cha-Cha, pinalagan ng Malakanyang
Pumalag ang Malakanyang sa pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na “creeping dictatorship” ang isinusulong na Charter Change ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Constitutional Assembly.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapt na pulaan ang ConAss dahil taongbayan ang magraratipika kung anong mga probinsyon sa Saligang Batas ang kinakailangan na sumailalim sa rebisyon.
Sinabi pa ni Roque na nakasaad sa Saligang Batas na maaring baguhin ang Konsitusyon sa pamamagitan ng Constitutional Convention, Constitutional Assembly at People’s Initiative.
“Hindi ko po maintindihan kung saan sila nanggagaling. Pero huwag po nilang pulaan ang Constitutional Assembly dahil pinupulaan po nila iyong taumbayan na nagratify, nagbigay ng buhay doon sa ating Saligang Batas kapag pinulaan nila iyong mga pamamaraan na nakasaad sa ating Saligang Batas kung paano magkakaroon ng pag-revision ng ating Saligang Batas,” ayon kay Roque.
Dagdag ni Roque, kung mayroong reklamo ang CBCP dapat nilang ipaabot ito kay Father Ranhilio Aquino na bahagi ng 25-member na consultative committee na una nang naatasan ng pangulo na rebyuhin ang 1987 Constitution.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.