Pilipinas, handang magsampa ng kaso laban sa Sanofi kaugnay ng Dengavaxia
Mapipilitan ang gobyerno na magsampa ng kaso laban sa Sanofi Pasteur kung tatanggihan nila ang hinihiling na full refund para sa nagastos sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine sa susunod na buwan.
Ito inihayag ni Health Sec. Francisco Duque III makaraang gumastos ang pamahalaan ng P3.5 billion para sa anti-dengue vaccine.
Una nang nagbayad ng P1.16 billion ang Sanofi para sa hindi nagamit na doses ng Dengvaxia.
Ayon kay Duque, binigyan niya ng labinlimangaraw ang Sanofi o hanggang February 10 para talakayin ang nasabing isyu.
Sakali aniyang hindi tumupad sa usapan ang Sanofi ay magsasampa na ng kaso ang Pilipinas bilang pagprotekta sa pera ng gobyerno at ng mga nagbabayad ng buwis.
Una na ring humiling si Duque sa French firm na maglaan ng pondo para sa pamilya ng mga batang nasawi umano matapos maturukan ng Dengvaxia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.