Faeldon tiyak nang sa Pasay City jail ang bagsak

Bagaman hindi natuloy noong Lunes ng gabi ang paglilipat kay dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Pasay City Jail, tiyak nang sa nasabing bilangguan ang bagsak ng opisyal.

Sa panayam kay Blue Ribbon Committee Chairman Senator Dick Gordon ito umano ang napagkasunduan ng mga senador sa ginawang caucus.

Hindi na umano issue kung marumi at unsanitary ang Pasay City Jail dahil ayon kay Gordon kung nadudumihan si Faeldon sa Pasay Jail maari niya naman itong ipalinis.

Sa ngayon nananatili pa rin si Faeldon sa senado partikular sa OSAA at wala pang katiyakan kung anong oras siya ililipat sa Pasay City Jail.

 

 

 

 

 

 

Read more...