Mga available na portalet sa Metro Manila, pinadadala sa Albay ni Pangulong Duterte

By Chona Yu January 30, 2018 - 09:40 AM

Radyo Inquirer File Photo

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na dalhin ang lahat ng available na portalet sa Metro Manila patungo sa Albay.

Ito ay para magamit ang mga portalet ng mga bakwit na nananatili ngayon sa iba’t ibang evacuation center dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Ayon sa pangulo, dapat masiguro na magiging maayos ang hygiene at sanitation ng mga bakwit para hindi magkaroon ng outbreak ng iba’t ibang uri ng sakit.

Inatasan na rin ng pangulo ang Department of Health na tutukan ang kalusugan ng mga bakwit.

Kasabay nito, itinalaga ng pangulo si Political Affairs Adviser Francis Tolentino bilang pinuno sa pangangasiwa sa mga pangangailangan sa Albay.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: evacuees, mayon volcano, Mt Mayon, Radyo Inquirer, evacuees, mayon volcano, Mt Mayon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.