Biyahe ng MRT nagka-aberya, 800 pasahero pinababa

Radyo Inquirer File Photo

Nakaranas muli ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit – 3 Martes ng umaga.

Alas 8:21 ng umaga pinababa ang mga pasahero sa Ortigas southbound dahil sa isang tren na nakaranas ng electrical failure.

Aabot sa 800 pasahero ang naapektuhan ng nasabing aberya at makalipas ang walong minute, napasakay naman sila sa kasunod na tren.

Lunes ng gabi, nagkaroon din ng problema sa biyahe ng MRT at pinababa ang mga pasahero sa Shaw Boulevard southbound.

Aabot naman sa isang libong mga pasahero ang naapektuhan ng nasabing aberya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...