3 arestado sa anti-drug operation sa loob ng isang paaralan sa Cotabato

By Mariel Cruz January 30, 2018 - 08:56 AM

Nagsagawa ang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, mga pulis at sundalo ng anti-drug operation sa loob ng isang school compound sa Arakan, Cotabato.

Sa nasabing operasyon, arestado ang tatlong drug suspek na nakilalang sina Anwar Mulana alys Astron, Gerry Miclat, at Jojo Gaspar.

Isinagawa ang operasyon sa loob ng Cotabato Foundation College of Science & Technology sa Barangay Doluman.

Ginawa ang raid sa bisa ng search warrants na inilabas ng Kabakan Regional Trial Court Branch 16 dahil sa paglabag sa Section 6 o maintenance of a drug den sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Nasamsam ng mga operatiba ang dalawampu’t limang sachet ng hinihinalang shabu, weighing scale, ilang drug paraphernalia, at iba’t ibang klase ng baril.

Samantala, ayon sa PDEA, nagsasagawa na sila ng manhunt operation laban sa presidente ng paaralan na nakilalang si Samson Molao dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa nasabing drug operation.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Arakan, Cotabato Foundation College of Science & Technology, North Cotabato, provincial, Radyo Inquirer, Arakan, Cotabato Foundation College of Science & Technology, North Cotabato, provincial, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.