Imbestigasyon ng senado kaugnay sa fake news, isasagawa muli; Asec. Mocha Uson hindi makakadalo

By Dona Dominguez-Cargullo January 30, 2018 - 06:25 AM

Muling magsasagawa ng pagdinig ang senado kaugnay sa paglaganay ng fake news.

Alas 10:00 ngayong Martes ng umaga magsisimula ang pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media.

Bagaman kumbidado sa pagdinig ang kontrobersyal na si Communications Assistant Sec. Mocha Uson ay nagpasabi na itong hindi siya makakarating.

Mayroon umanong naunang commitment si Uson bago pa niya natanggap ang imbitasyon ng komite.

Kumpirmado naman nang darating si Communications Sec. Martin Andanar, Asec. Marie Rafael-Banaag, Rappler CEO Maria Ressa, Jover Laurio, Ellen Tordesillas, Malou Mangahas, at iba pang resource persons.

Oktubre noong nakaraang taon nang umpisahan ng nasabing komite ang imbestigasyon hinggils a fake news.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Committee on Public Information and Mass Media, fake news, hearing, Senate, Committee on Public Information and Mass Media, fake news, hearing, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.