Bus, nahulog sa ilog India, 36 ang patay

Patay ang 36 na katao makaraang mahulog sa ilog ang isang bus sa West Bengal, India.

Nawalan umano ng kontrol ang bus kaya nahulog sa Bhairav River habang binabagtas ang tulay.

Sakay ng state-owned road transport bus ang 55 pasahero.

Anim na oras na tumagal ang rescue operations bago tuluyang nakuha ang katawan ng mga nasawi.

Dinala naman sa pagamutan ang mga nasugatang pasahero.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...