Bibliya at rosaryo, gagamitin ng mga pulis sa Oplan Tokhang
May diskarte ang Eastern Police District (EPD) upang matiyak na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang hindi maging madugo ang muling paglulunsad ng Oplan Tokhang sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay EPD director Chief Supt. Reynaldo Biay, magbi-bitbit ng Bibliya at rosaryo ang mga pulis na mangangatok sa tahanan ng mga drug suspects.
Ani Biay, sa ganitong paraan ay kumpyansa silang kapag nakita ng mga drug suspects ang Bibliya at rosaryo ay kusa at mapayapang susuko ang mga ito sa pulisya.
Giit pa ni Biay, diplomasya ang dapat na gamitin sa operasyong ito at hindi dapat mauwi sa madugong engkwentro.
Lunes nang muling ilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Tokhang, na ayon kay Director Gen. Ronald dela Rosa ay mahirap na maisakatuparan nang walang dadanak na dugo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.