Ang desisyon ng Palasyo ay matapos na ilantad ni Carandang ang mga umano’y bank records ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga kamag-anak nito.
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tiwala ang Office of the Executive Secretary na malalagpasan nito ang naunang 2012 ruling ng Korte Suprema na nagbabawal sa Palasyo ng patawan ng anumang disciplinary action ang Deputy Ombudsman.
Aniya, sa ilalim ng ‘malawak na kapangyarihan’ ng pangulo, ay maari nitong disiplinahin ang lahat ng mga ‘non-impeachable presidential appointees.
Paliwanag pa ni Roque, maari namang gamitin ni Carandang ang lahat ng ‘legal remedy’ upang pigilin ang ibinabang suspensyon ng Office of the Executive Secretary laban sa kanya.
Matatandaang ilang grupo ang nagsabing labag sa Konstitusyon ang pagpapataw ng Palasyo ng suspensyon kay Carandang batay sa isang Supreme Court Ruling na inilabas noong 2012.
Taong 2014 naman nang pagtibayin ng Korte Suprema ang pagiging ‘unconstitutional’ ng pagpapataw ng anumang parusa ng Malakanyang sa Deputy Ombudsman dahil sa pagiging ‘independent body’ nito.
Sa kabila nito, pinatawan pa rin ng 90-day suspension ng Malacañang si Carandang.