Guinobatan, Albay at mga karatig-lugar, nabalot muli ng abo kagabi

By Jay Dones January 30, 2018 - 03:09 AM

 

Rey Anthony Ostria/Inquirer

Matapos ang ilang araw na pagiging mistulang kalmado, muling sumabog at nagbuga ng ash cloud ang Bulkang Mayon kagabi.

Dahil dito, nabalot muli ng abo ang bayan ng Guinobatan sa Albay at mga kalapit na mga lugar dahil sa ashfall na ibinagsak ng bulkan pasado ala 9:00 ng gabi ng Lunes.

Nakapagtala rin ng ash fall sa bayan ng Camalig resulta ng pinakahuling pagsabog ng bulkan.

Dakong alas 8:16 ng gabi, muling pumutok ang bulkan ang naglabas ng ash column at lava.

Naulit pa ang paglalabas ng abo ng bulkan pasado alas diyes ng gabi.

Gayunman, dahil sa dilim ang kalangitan at pagiging maulap ay hindi natukoy ng Phivolcs kung gaano kataas ang ibinugang ash column ng Mayon.

Nagkaroon rin ng ‘active lava flow’ sa southeast na bahagi ng Mayon volcano.

Nitong nakalipas na araw, naging matahimik ang bulking Mayon sa kabila ng lava na lumalabas sa bunganga nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.