Deputy Ombudsman, hindi maaaring suspendihin ng pangulo batay sa 2014 SC ruling

 

Hindi maaring disiplinahin ng presidente ang deputy Ombudsman.

Ito ay kung pagbabatayan ang naging resolusyon ng Korte Suprema na inilabas noong January 28, 2014 na isinulat ni Associate Justice Arturo Brion.

Sa ilalim ng naturang desisyon, idineklarang ‘unconstitutional’ ng Korte Suprema ang Section 8 ng Ombudsman Act.

Idineklarang ‘unconstitutional’ ng SC ang probisyon na nagsasaad na ang isang Deputy Special Prosecutor ay maaring alisin sa puwesto ng pangulo.

At dahil sinabi ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang naturang probisyon, ay hindi ito maaring ipatupad ng pangulo.

Ang naturang probisyon din aniya ay isang paglabag sa pagiging ‘independent’ ng Office of the Ombudsman kaya’t matuturing itong ‘unconstitutional’.

Matatandaang lumutang ang usapin nang patawan ng 90-day preventive suspension si Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Ito ay matapos isapubliko ni Carandang ang mga bank accounts umano ng pangulo.

Gayunman, giit ni Carandang, na nagmula sa Anti-Money Laundering Council ang naturang mga dokumento.

Gayunman, itinatanggi ng AMLaC na sila ang pinagmulan ng mga dokumentong isinapubliko ni Carandang.

Read more...