Paglipat kay Faeldon sa Pasay City Jail, naudlot
Hindi natuloy ang nakatakda sanang paglipat kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Pasay City Jail mula sa detention facility ng Senado.
Matatandaang matapos mapagdesisyunan ng mga senador na pagtibayin pag-cite in contempt kay Faeldon kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa Bureau of Customs (BOC).
Naudlot ang paglipat kay Faeldon, Lunes ng gabi, dahil sa pagiging “unsanitary” o madumi ng piitan, at dahil hindi pa din tiyak kung mayroon pa bang pwesto para sa kaniya.
Samantala, muling nagkairingan sina Faeldon at Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon sa nangyaring pagdinig kahapon.
Ayon kay Gordon, ang muli nilang pag-cite in contempt kay Faeldon ay nag-ugat sa naging asal nito sa pinakahuling imbestigasyon ng Senado.
Ani Gordon, arogante at “defiant” si Faeldon sa pagdinig kaya kinailangan nila itong gawin upang protektahan ang Senado sa mga ganitong asal ng mga resource persons na isinasalang sa imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.