Dating Palawan Gov. Joel Reyes sumuko sa Sandiganbayan
Kusang loob na sumuko sa Sandiganbayan si dating Palawan Governor Joel Reyes kasama ang kanyang abogado.
Ito ay makaraang katigan ng Sandiganbayan 3rd Division ang rekomendasyon ng mga state prosecutors na ibasura ang kanyang inihaing piyansa makaraan siyang palayain ng Court of Appeals dahil sa murder case.
Sinabi ng abogado ni Reyes na si Atty. Demi Custodian a kaagad silang maghahain ng motion for reconsideration.
Noong August 29, 2017 ay hinatulan ng hukuman si Reyes na guilty sa pagbibigay ng permit sa isang mining firm na hindi dumaan sa tamang proseso.
Si Reyes ay hinatulan na makulong ng walong taon dahil sa nasabing kaso.
Ang dating opisyal at ang kanyang co-accused na si Adronico Baguyo na isang dating mining operations officer ay kinasuhan dahil sa pagbibigay ng mining permit sa Olympic Mines and Development Corporation noong taong 2006.
Nilabag ng nasabing mining firm ang ilang mga batas makaraan silang lumampas sa annual maximum extraction limit na 50,000 dry metric tons ng “ore” o mineral.
Naabswelto sa kaso si Baguyo samantalang nadiin naman si Reyes.
Magugunitang si Reyes rin ang itinuturong utak sa pagpatay sa kilalang environmentalist at brodkaster na si Gerry Ortega ilang taon na ang nakalilipas.
Naaresto si Reyes kasama ang kanyang akusado rin na kapatid sa Thailand noong 2015 makaraan silang magtao doon ng ilang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.