Faeldon nagpasaklolo sa SC para makalaya sa Senado
Humingi na ng saklolo si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Korte Suprema para kuwestyunin ang pagkakadetine sa kanya ng Senado dahil sa pagtangging sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas kaunay ng P6.4 Billion na halaga ng shabu mula China.
Sa inihaing petisyon na may petisyon January 23 na inihain ng kampo ni Faeldon sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Jose Diño, inihirit nito sa Supreme Court na ipawalang bisa at ideklarang iligal ang utos ng Senate Blue Ribbon Committee na makulong siya sa Senado.
Humirit pa si Faeldon sa SC na ipag-utos nito ang agarang pagpapalaya sa kanya o mag-isyu ito ng Temporary Restraining Order o TRO.
Tumatayong respondents sa petisyon ni Faeldon sina Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon at Senate sergeant-at-arms retired Major General Jose Balajadia Jr.
Giit ni Faeldon, nilabag ng respondents ang kanyang karapatan matapos pagkaitan ng due process matapos mag-isyu ang Blue Ribbon Commitee noong September 7 ng arrest order nang hindi binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag bakit hindi siya dapat i-cite for contempt dahil sa kabiguang sumipot sa mga naunang pagdinig ng Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.