Pagbili ng Toyota Land cruiser ni CJ Sereno hindi ipinagbabawal ng batas
Nilinaw ni Supreme Court Associate Justice Mariano Del Castillo na naaayon naman sa batas ang pagbili ng mamahaling sasakyan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ni Del Castillo na na base sa isang administrative order ay ipinagbabawal sa isang government official ang pagbili ng magarbong sasakyan.
Gayunman, nakasaad din aniya sa kaparehong AO na exempted ang limang pinakamatataas na opisyal ng bansa sa nasabing kautusan.
Maari aniyang bumili ang pangulo, pangalawang pangulo, chief justice, senate president at house speaker ng luxury vehicle for security reason.
Sa tanong naman kung ang mga dating punong mahistrado ay ginamit din ang nasabing exemption sinabi ni Del Castillo na sina dating Chief Justices Reynato Puno at Renato Corona ay hindi bumili ng mamahaling sasakyan.
Sinabi pa ni Del Castillo na bago binili ni Sereno ang Toyota Land Cruiser ay dalawang taon na itong nasa budget ng korte.
Tinatanong din aniya silang mga mahistrado kung anong sasakyan ang nais nila bago bumili ang korte.
Nilinaw din nito na matapos ang termino ng mahistrado mapupunta naman ang sasakyan sa Supreme Court.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.