Bloodless na war on drugs, imposible ayon kay Dela Rosa

By Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2018 - 12:36 PM

Hindi maipapangako ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa ang 100 porsyentong bloodless na war on drugs.

Ayon kay Dela Rosa, kinakailangang idepensa ng mga pulis ang kanilang sarili kung manlalaban ang mga drug suspect.

Ito aniya ang dahilan kaya mahirap ipangako na kaya nilang gawing bloodless ang drug war ng 100 percent.

Sinabi naman ni Dela Rosa na kung mayroong makapagpapatunay na may mga pulis na nagpapasimuno para maging madugo ang drug war ay handa siyang magbitiw sa pwesto bago pa mag-Abril.

Ani Dela Rosa, sa ilalim naman ng bagong guidelines sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang ay maiiwasan ang mga posibilidad ng pag-abuso ng mga otoridad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Oplan Tokhang, PNP, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa, War on drugs, Oplan Tokhang, PNP, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.