Pangulong Duterte, magtutungo sa Albay

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo January 29, 2018 - 11:15 AM

Magtutungo sa Albay si Pangulong Rodrigo Duterte para personal na alamin ang assessment sa epekto ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon nan a naka-apekto na sa nasa 82,000 mga residente.

Makikinig ang pangulo sa brieifing mula kina Undersecretary Renato Solidum Jr., ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) hinggil sa sitwasyon ng Mt. Mayon.

Gayundin kina Albay Gov. Al Francis Bichara, para naman sa status ng disaster relief operations sa mga residente na nananatili sa aabot sa 70 evacuation centers sa mga bayan ng Malilipot, Bacacay, Sto. Domingo, Daraga, Camalig, Guinobatan, at sa mga lungsod ng of Tabaco Ligao at Legazpi.

Si Office of Civil Defense (OCD) regional director Claudio Yucot naman ang magbibigay ng ulat sa pangulo kaugnay sa tulong ng national agencies sa relief efforts.

Sa nakalipas na 26 na oras nakapagtala ng apat na lava fountains sa bulkang Mayon.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay visit, Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Albay visit, Mt Mayon, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.