LPG retailers na nakitaan ng paglabag ng DOE, maaring maipasara
Hinihintay na ng Department of Energy (DOE) ang paliwanag ng mga nagbebenta ng liquefied petroleum gas (LPG) na nakitaan ng mga paglabag matapos ang isinagawang surprise inspections ng ahensya.
Sinabi ni Energy Asec. Leonido Pulido III kapag hindi sila nasiyahan sa paliwanag ng mga lumabag ay maari silang magrekomenda ng kaparusahan, na maaring umabot sa pagpapasara ng mga establismento.
Magugunita na sorpresang dinalaw nina Pulido at ng mga tauhan ng DOE – Oil Industry Management Bureau ang ilang LPG resellers sa Quezon City at may mga nakitaan sila na mga paglabag.
Ilan sa mga establismento ay ilegal na nagtaas ng presyo ng LPG, hindi naka-display ang LPG Standards Compliance Certificate gayundin ang presyo ng kanilang LPG.
Hinikayat ng DOE ang publiko na agad isumbong ang mga nagtitinda ng LPG kung mas mataas pa sa P683 ang kada 11-kilogram na tangke ng cooking gas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.